10 Terminal Commands na Dapat Malaman ng mga Gumagamit ng Mac
() translation by (you can also view the original English article)
Ang Terminal sa OS X sa aking opinyon ay madalas na hindi napagtutuunan ng pansin sa operating system. Ang mga bagong gumagamit ng Macs ay natatakot dito, sapagkat ang pagtingin sa ano mang konektado sa mga code at sa mas mataas na antas ay sadyang katakot-takot na. Sa kabutihang palad, hindi na kailangang matakot pa sa Terminal bagkus ay isipin ito bilang katangian para sa mga mahilig sa teknolohiya. Ang kaalaman sa mga basic terminal commands ay talagang makatutulong sa iyong eksperiensya sa OS X. Kung kaya sa mga nag-uumpisa pa lamang, heto ang aking nangungunang 10 na terminal commands na dapat malaman ng mga gimagamit ng Mac.
Bago tayo magsimula…
Alam mo bang mayroong ma-ilang maaaring gamitin na Mac apps sa Envato Market? Halimbawa, ang magandang live chat desk OS X ay hinahayaan kang magbigay sa mga kostumer ng live chat na suporta gamit ang simpleng notipikasyon sa Mac.



Ganoon din, bago tayo magsimulang alamin ito, marapat sigurong maglaan ng ma-ilang minuto para sabihin sa iyo eksakto kung ano ang terminal (syempre sa hindi teknikal na paraan!).



Terminal (opisyal na tinatawag na Terminal.app) ay, sa mahigpit na pananalita, ay gumagaya at umaandar sa pinaka-tipikal na UNIX commands (OS X ay base sa sistemang UNIX, laban sa Windows, na base sa NT.) Hindi tulad ng OS X na mayroong graphical user interface (pina-ikli sa GUI), ang terminal ay nagtatrabaho base sa teksto at lahat ng commands para mai-lagay - heto ang maaaring dahilan kung bakit may ma-ilang tao ang natatakot dito!
Hindi na tayo pupunta sa marami pang detalye kung paano umaandar ang terminal pero pinaka-mainam na malaman ang mga sumusunod komands bago tayo mag-umpisa sa pagtuturo:
- ls - nakalista ang nilalaman ng partikular nd direktoryo
- cd - palitan sa iba pang direktoryo (tulad ng sa DOS)
- sudo - patunayan ang sarili bilang superuser para makakuha ng ekstrang pribeleheyo sa seguridad
Tip: Maging mas maingat sa pag-gamit ng sudo command. Madalas na kinakailangan mong i-lagay ang iyong OS X system password at ano mang pagkakamali ay permanenteng masisira ang iyong sistema. Kapag may pagdududa, iwanan ito!
1. Alisin ang Lion/Mountain Lion’s Pop-up Accent Window
Para sa mga taong katulad ko na nagsusulat ng maraming banyagang accents, ang pop-up accent window na dumadating kapag humawak ka ng sulat sa mas matagal na oras ay sadyang napaka-gamitin. Ngunit para sa inyo na gustong sumulat ng maraming letra, maaari itong medyo maging nakaka-inis. Gamitin ang mga simpleng gawain na ito para alisin ito:
1 |
defaults write -g ApplePressAndHoldEnabled -bool false |
Pindutin ang Return, tapos ay log-out, tapos ay bumalik ulit para makita ang pagbabago. Kung nais mong palitan ulit ang nakagawian, palitan lamang ng false sa true ang nasa itaas.
2. Palitan ang Default Backup Periods sa Time Machine
Sa default, ang Time Machine ay nagba-back-up bawat oras kapag ito ay konektado ngunit ito ay maaaring baguhin gamit ang Terminal. Para gawin ito, ilagay lang ang mga sumusunod na commands:
1 |
sudo defaults write /System/Library/Launch Daemons/com.apple.backupd-auto StartInterval -int 1800 |
Ginagawa nito ang Time Machine na mag-back-up bawat 30 minuto. Para palitan ito ayon sa iyong nais, palitan lamang ang 1800 sa pagitan ng oras sa segundo (bali ang 15 minuto ay magiging 900 na segundo, kung ganoon ilagay ang 900). Marapat ding malaman na dahil ginagamit mo ang sudo command, kaya siguraduhing i-type ang command eksakto bago pindutin ang Enter (at ikaw din ay sasabihan na ilagay ang iyong system password).
3. Ilipat ang Dashboard Widget papunta sa Desktop
Madalas kong nakakalimutan na mayroong Dashboard sa aking Mac. Ang totoo, hindi ko madalas makita ang pangangailangan nito. Sa aking paningin ay maaring ganito ito dahil mga widget ay nakatago sa loob ng operating system. Para mai-lipat ang iyong Dashboard widget papunta sa iyong desktop, ilagay ang mga sumusond na command:
1 |
defaults write com.apple.dashboard devmode YES |
Kailangan mong maglog-out at log-in, at para ilipat ang widget sa desktop, pindutin at hawakan ito at pindutin ang F12, na nag-aalis mula sa Dashboard and pinapayagang ilipat ito sa desktop. Ang iyong widget ngayon ay nakalutang sa taas ng bukas na application, katulad ng mga gadgets sa Windows 7.
Para ihinto ang katangiang ito, palitan lamang ang YES ng NO sa itaas na command. Sa kasamaang-palad, kinakailangan ulit na maglog-out at maglog-in.
4. Ihinto ang Lion/Mountain Lion's Auto-restore Feature
Talagang nakagulo ito sa akin noong ako’y unang nag-upgrade sa Lion - ang katotohanang ikaw ay may binuksan na parang preview, lahat ng iyong binuksan na PDFs kamakailan ay lalabas lahat sa iyong harapan, maski na pa isinara mo naman ang mga ito ng maayos. Sa kasamaang palad walang pang-kalahatang command para alisin ito sa buong OS kaya kinakailangan mo itong gawin sa bawat isang indibidwal na programa. Kung nais mong itigil ito sa Preview, ilagay ang mga sumusonod na commands:
1 |
defaults write com.apple.Preview NSQuitAlwaysKeepsWindows -bool false |
Ang QuickTime ang isa pang may kasalanan sa aking paningin, uliting ilagay ang mga sumusunod:
1 |
defaults write com.apple.QuickTimePlayerX NSQuitAlwaysKeepsWindows -bool false |
Siguraduhing isarado at buksan muli ang mga apps para makita ang mga pagbabago at kung nais mong ibalik ang kahit na ano pa sa dati, palitan lamang ng false ang true (Sigurado akong nakakakuha ka ng hang sa kasalukuyan!).
5. Ipakita ang mga Nakatagong Files sa Finder
Sa pamamagitan ng default, ang Finder sa OS X ay nagtatago ng mailang files sa iyong paningin (karamihan ay ang mga walang kabuluhan) ngunit kung nais mong makita lahat sa iyong kompyuter, ilagay ang mga sumusunod na command:
1 |
defaults write com.apple.finder AppleShowAllFiles TRUE |
Uliting palitan ang false ng true para itago ang mga ito ulit.
6. Palitan ang Format ng File para sa mga Screenshots
Ang mga screenshots gamit ang nakakabit na shortcut para sa OS X ay talagang napaka-gamitin ngunit kung gamit ang default ay naka-save bilang PNG files. Kung nais mong palitan ito, i-type ang mga sumusunod na command:
1 |
defaults write com.apple.screencapture type file-extension
|
Palitan ang file-extension ng tatlong letrang abrebasyon nang iyong nais na format, kung JPEG format ilagay ang JPG at para naman sa Acrobat PDF format, ilagay ang PDF. Hindi kinakailangang maging mahirap ng Terminal hindi ba?
7. Patayin ang Dashboard ng Minsanan
Sa itaas, pinag-usapan natin ang paglagay ng Dashboard widget sa desktop, ngunit kung nais mong maiwasan ang dashboard ng minsanan (halimbawa, kung ikaw ay gumagamit ng mas lumang Mac at may problema sa memorya) maaari mong gawin ang mga simpkeng Terminal command:
1 |
defaults write com.apple.dashboard mcx-disabled -boolean YES
|
Pagkatapos, buksan muli ang Dock gamit ang mga sumusunod ng command:
1 |
killall Dock |
At, voila! Wala nang Dashboard. Kung pagkatapos nito ay nakaramdam ka nang kalungkutan pagkatapos ng mga nakaraang masasayang araw, palitan lamang ng YES ang NO sa itaas na command at ulitin ang proseso.
8. Seguradong Pagbubura ng Libreng Espasyo
Kapag nagbubura ng mga files sa Mac, ang OS X ay nag-iiwan pa rin nang mga bahagi nang files sa kabuuan ng natitirang espasyo sa iyong hard drive, hanggang ang mga ito ay napapalitan ng mga bagong files. Kung nais mo namang seguradong mabura lahat ng natitirang bahagi sa hard disk drive (halimbawa ay kung ipagbibili ko ang iyong Mac), gawin ang mga sumusunod na command:
1 |
diskutil secureErase freespace 3 /Volumes/name-of-drive |
Palitan /pangalan ng drive sa drive na nais mong burahin. Ang komand na ito ay gumagamit a espesyal na algorithm para alisin ang bawat natitirang libreng espasyo ng 35 na beses, mas malayo kumpara sa US Department of Defense standard, na nangangailangan lamang nang 7 na beses. Maging maingat lamang na sapagkat ang prosesong ito ay maaring tumagal ng ilang araw sa mas malalaking drives.
Sa kabilang banda, ang komand diskutilay sadyang napaka-gamitin na nagbibigay ng permisiong ayusin ang mga lokal na disks at volumes direkta mula sa terminal (listahan ng sampol na mga komands ay ibinibigay). Maging maingat parin dahil karamihan sa mga komand ay nangangailangan ng root access.
9. Kontrolin ang iyong Mac sa isang Bahagi
Ang pagkontrol sa iyong Mac sa isang bahagi gamit ang SSH, o sekyur shell, ay pinaka-mainam kaysa pagbabahagi ng screen dahil ito ay gumagamit ng mas kakaunting system resources at kakaunting bandwidth. Ang pinaka-unang kailangan mong gawin ay paandarin ang Rempre Login sa iyong Mc, na maaari mong gawin sa pagpunta sa iyong System Preferences, pagkatapos ay Sharing, Pagkatapos ay pindutin and Remote Login.



Isang kulay berdeng ilaw na maliit ang dapat lumitaw, kasama ang IP address na maaari mong gamitin sa pag log-in gamit ang Terminal. Ang koneksyon sa pagitan ng iyong local Mac na iyong ginagamit at ng Remote (halimbawa, ang sa iyo) ay ang seguridad at pagiging encrypted, ibig sabihin ay kahit na ano pa mang datos ang ilipat sa dalaw ay hindi maaaring pigilan.
Para maglog-in sa iyong Mac sa isa pang Mac, gawin ang sumusunod na command:
1 |
ssh -l username remote-address
|
Palitan ang username sa username na iyong gagamitin sa paglog-in sa OS X at sa remore-address kasama ng IP address na ibibigay sa iyo sa Sharing pane. Maaari mo na ngayong kontrolin ang iyong Mac at gawin ang Terminal komands sa isang bahalgi, talagang napakalaking karagdagan.
10. Nagsasalitang Mac!
Pinakahuli ngunit mahalaga, kung nais mong magsalita sa iyo ang iyong Mac, gamitin lamang ang say command, katulad ng:
1 |
say Hello World! |
Ang mga salita ay bibigkasin sa iyong Mac’s default voice pero kung nais mo itong palitan, magtungo lamang sa System Preferences at sa Dictation o Speech (sa Mountain Lion) o simpleng Speech (sa Lion). Dito ay maaari mong piliin ang iba’t-ibang boses at mag-download ng mga bago mula sa Apple server kung iyong nanaisin. Isa pang "gamiting" katangian ay ang abilidad na mag-convert nang buong tekstong file sa pananalita, kung iyong nanaisin. Ilagay lamang:
1 |
say -o audio.aiff -f FILENAME.txt |
Palitan ng FILENAME.txt sa iyong sariling titulo. Ito ay gagawa ng pagbasa sa iyong file bilang AIFF file audio.aifff sa terminal default directory.
Tip: Nagtataka ka ba kung ang Mac operating system ay binibigkas na "OS ten" o "OS ex?" Alam ng iyong mac ang sagot! Subukang ilagay "say OS X" sa Terminal. Ikagugulat mo ang resulta.
Konklusyon
Sana ay nakatulong ang maliit na pagtuturong ito para mas maintindihan ang Terminal at maisip na hindi naman talaga ito masamang gamitin at maaari ka pang makagawa nang mas marami pang bagay gamit ito at kung nais mong i-customize ang OS X higit pa sa simpleng pagpapalit ng wallpaper, ito talaga ang iyong nararapat gamitin.
Sana ay nasiyahan kayo sa mga nabanggit na commands sa itaas, ibahagi rin ninyo ang inyong mga piling paborito sa seksyon ng komento sa ibaba para sa ikabubuti nang lahat ng Mactuts at mambabasa!
At huwag kalimutang tignan ang mga Mac Apps sa Envato Market.