Advertisement
  1. Computer Skills
  2. PDF

Paano Bawasan ang Laki ng iyong PDF nang hindi Na-kokompromiso ang Kalidad ng mga Imahe

Scroll to top
Read Time: 7 min

() translation by (you can also view the original English article)

Final product imageFinal product imageFinal product image
What You'll Be Creating

Mula sa mga propesyunal na paghahandog hanggang sa imbitasyon ng iyong ina para sa paskong pagsayaya, and PDF ang mainam na parran para makuha ang pansin gamkt ang ganitong dokumento at materyales. Iba pa sa aktwal na teksto, maaari ka ring magdagdag pa ng mga imahe, clipart, at iba pang grapiko para mangibabaw ang iyong ginawa.

Ngunit habang ang mge elemento ng disenyong ito at ginagawang maganda ang iyong dokumento, pinapalaki ng mga ito ang laki ng iyong PDF, na umaaabot sa puntong nagiging imposible na itong ipadala at makuha para naman sa iba. Ganun pa man, ang tipikal na pagbubuo ay nakakagawa ng kopya na may malabong mga imahe at mas mababang kalidad ng dokumento.

Sa tutoryal na ito, ipapakita ko kung paano bawasan ang malaking PDF sa kahit na ano pa mang kompyuter ng hindi nako-kompromiso ang kalidad ng mga imahe at para na rin maipadala ang dokumento nang hindi nag-aalala na makakasira ito sa pananaw ng ibang tao na makakatanggap.

Sa Mac: Gumanit ng Quartz Filters

Ang default Preview app na nakalagay sa OS X ay nakadisenyo upang humawak ng basikong pangangailangan ng PDF, mula sa pananaw ng annotation hanggang sa file compression. Para mapaliit ang PDF, pindutin lamang ang File > Export... > Quartz Filter at pillin ang Reduce file size.

reduce file size by defaultreduce file size by defaultreduce file size by default
Habang ang Preview ay makakabawas sa iyong PDF, hindi nito nape-preserba ang kalidad ng mga imahe.

Ang problema sa Previewís built-in file compression ay ang malakihang pagbabago ng mga imahe pagkatapos, na nagdadahilan sa kahit na anong imahe o grapiko sa iyong PDF na magmukhang malabo at minsan pa ay napakagulo.

Ang workaround ay gagamit ng custom quartz filters na nakakakuha ng balanse na kailangan mo upang mabawasan ang sukat ng dokumento na napapanatili ang kalidad ng mga imahe sa kabuuan ng dokumento.

Para sa tutoryal na ito, tayo ay magi-i-install at gagamit ng mga Apple quartz filters mula kay Jerome Colas para pababain sa 25MB PDF file pababa sa mas mababang sukat. Maaari mo ring i-download ang filters mula sa Github na pahina.

Hakbang 1: Ilipat ang quartz filters sa iyong ~/Library/ folder.

Ang unang hakbang ay ang pag-i-install ng Apple quartz filters sa iyong kompyuter, lalo na ang Filters folder na nasa loob ng systemís Library folder.

Para gawin ito, i-download ang quartz filters sa iyong desktop at i-unzip. Buksan ang Finder at gamitin ang keyboard shortcut CMD + SHIFT + G para buksan ang Go sa folder: Ibaba ang menu. Pindutin ang Enter para buksan ang Library folder.

the quartz filters inside the filters folderthe quartz filters inside the filters folderthe quartz filters inside the filters folder
Ang kredits ay para kay Jerome Colas para sa pag-gawa ng magagandang filters para sa lahat.

Kapag nakita na ang Filters folder, komyahin ang quartz filters sa loob. Kung ang Filters folder ay wala, sumaga lamang ng bago at pangalanan itong "Filters".

Tip: May ma-ilang tao na mas nanaising magkaroon ng mga ganitong filters sa nag-iisang administrasyong account. Para gawin ito, kakailanganin mong gumawa ng folder sa loob userís Library. Para hanapin ito, pindutin ang CMD + SHIFT + G, at i-type ang mga sumusunod:

1
/Users/<your user name>/Library

at pindutin ang Enter. Kung ang Filters folder ay wala sa loob ng direktoryo, gumawa ng bago.

Hakbang 2: Buksan ang Automator At gumawa ng Automator Application

Ang susunod na hakbang sa pag-gawa ng Automator app na magpapaikli sa ano mang PDF gamit ang filters ay naka-install na.

Buksan ang Automator at gumawa ng bagong dokumento. Pindutin ang Application, at ang kulay asul na Choose button para gumawa ng workflow.

create a new automator applicationcreate a new automator applicationcreate a new automator application
Maaari mong pa-simplehan ang proseso ng pagpapaliit ng PDF gamit ang Automator.

Sa kanang parte ng Automator library. Gamitin ang search field para hanapin ang Apply Quartz Filter sa PDF Documents action, na iyong ililipat sa kaliwang parte ng window para gumawa ng workflow.

copy finder items actioncopy finder items actioncopy finder items action
Nirerekomenda ko ang pagdadagdag ng Copy Finder Items sa iyong Automator workflow. Makikita mo.

Bago magpatuloy, isang pop-up na mensahe ang lilitaw na magtatanong sa iyo kung nais mong magdagdag ng Copy Finder Items action sa workflow. Nirerekomenda ko ito sapagkat maililigtas ka nito sa gulo ng paghahanap pa sa orihinal na dokumento kung sakaling ang huling resulta ay hindi umandar gaya ng inaasahan.

select quartz filterselect quartz filterselect quartz filter
Para sa standard compression, maaari kang pumili sa 150 dpi average o 300 dpi.

Ang pinaka-huling hakbang ay ang pagpili ng quartz filter na gagamitin mo para paliitin ang PDF. King inin-stall mo ang quartz filters bilang outline sa Hakbang 1, dapat ay makikita mo sila na nakalista kapag pinindot ang Filter drop down menu. Kapag nakapili na ng filter, bigyan ang app ng pangalan at i-save ito sa iyong desktop. King inin-stall mo ang quartz filters bilang outline sa Hakbang 1, dapat ay makikita mo sila na nakalista kapag pinindot ang Filter drop down menu. Kapag nakapili na ng filter, bigyan ang app ng pangalan at i-save ito sa iyong desktop.

Hakbang 3: Kunin at Ilagay ang iyong PDF sa bagong gawang Created Automator App

Ang pagpapaliit ng dokumento ay diretso rito. Para gamitin ang bagong Automator app, kunin lamang ang iyong PDF at ilagay ito sa app. Ito ngayon ay gagawa ng ng kopya ng iyong PDF. Ang sukat ay nakadepende sa laki ng quartz filter na iyong pinili habang binubuo mo ang app sa Automator.

Para sa aking 25MB PDF, pinili ko ang 150 dpi average quality filter, na may istandard na kalidad. Ang pinaliit na dokumento ay nasa 3MB at ang kalidad ng mga image ay katanggap-tanggap sa pangkalahatan, kasama na ang maliliit pang imahe.

pdf reduced file comparisonpdf reduced file comparisonpdf reduced file comparison
Maski na ang mga pinaliit na imahe ay medyo malabo, sa kabuuan ay katanggap-tanggap parin ang kalidad nito.

Maaari mong palitan ang quartz filter sa mas mattas o mababang kalidad depende sa iyong nais. palitan lamang ito sa Automator at ilagay ang orihinal na dokumento para subukan (narito ang Copy Finder Items action ay madaling gamitin).

Sa Windows: Paliitin ang iyong mga PDF gamit ang SmallPDF

Sa Windows, ang pinakamabilis na paraan ay ang pag-gawa ng Word na dokumento o presentasyon sa Powerpoint, piliin at i-save bilang PDF, matapos ay piliin ang pinalamaliit na sukat sa option bago ito i-save sa iyong desktop.

Kung ito ay umaandar sa PDFs, ang kalidad ay maaaring mag-iba kapag gumamit ng iba’t-ibang elemento ng disenyo para pagandahin ang iyong dokumento. Maaari ka ring maglipat ng mga PDF sa Word 2013 o mas bago pa at ilipat ito sa mas pinaliit na format, ngunit minsan pa, ang kalidad ay maapektuhan.

minimize option windowsminimize option windowsminimize option windows
Ang mga gumagamit ng Windows ay may limitadong pagpipilian lamang sa pagpapaliit ng mga PDF

Ang pinakaginagamit ay ang pagpapaliit ng PDF gamit ang premium software katulad ng Adobe Acrobat Pro at  InDesign, parehas na nakapagbibigay ng mataas na kalidad na resulta kung ikaw ay mayrooong Creative Cloud subscription. May mga libreng desktop na alternatibo gaya ng PrimoPDF,ngunit ang mga ito ay nakakapagpalit sa kalidad ng PDF mula sa orihinal na bersyon.

Maaari mo ring gamitin ang online tool na tinatawag na SmallPDF, isang web app na may kasamang maraming PDF na kagamitan na maaaring gamitin kahit saan man magpunta at kahit kailan kailanganin (at, isa itong web tool, maaari itong gamitin sa Mac o Linux powered PC, o sa Chromebook). Isa sa mga ito ay ang Compress PDF tool kung saan maaari mong ilipat at ilagay ang iyong PDF file mula sa iyong hard drive para mabawasan ng malaki ang sukat nito.

compressed file smallpdfcompressed file smallpdfcompressed file smallpdf
Maliban pa sa napakagandang disenyo, ang SmallPDF ay mainam gamitin bilang libreng gamit.

Sinubukan ko ang app na may 25MB PDF at nagawa nitong bawasan ang sukat hanggang 2MB, ito ay perpekto sa pagpapahayag at pagpapadala online. Ang kalidad ng imahe ay apektado ngunit katanggap-tanggap kung ikukumpara sa ibang Windows-only apps na gumagawa ng pagpapaliit ng PDF.

Iyong mga agam-agam

Anong ginagamit mo upang paliitin ang mga PDF habang pinapanatili ang kalidad ng mga imahe? ibahagi sa amin ang iyong mga tools sa iababang seksyon.

Resources: Ang Document icon ay dinesenyo ni Dimitry Sunseifer mula sa Noun Project

Advertisement
Did you find this post useful?
Want a weekly email summary?
Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Computer Skills tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.