Unlimited WordPress themes, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Computer Skills
  2. Google Chrome
Computers

Pagsisimula ng Google Chromecast at ang Mac

by
Difficulty:BeginnerLength:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Pagkuha ng Nilalaman mula sa Kasangkapan tungo sa Telebisyon

Hanggang ngayon, ang tanging paraan para magpadala ng wireless na audio, video, larawan at pahina ng web sa iyong telebisyon ay sa pamamagitan ng paggamit ng Apple TV at at iOS device o Mac na may karagdagang software.

Sa pagtuturong ito, ipapakita ko sa iyo kung paano kumuha at patakbuhin ang Google Chromecast upang mabigyan ka ng alternatibong paraan ng panonood ng nilalaman sa malaking screen sa sala.

Beaming ng Audio at Video

Dating kilala sa tawag na Airtunes, Airplay–ang Wireless na pagduloy ng audio, sa iba’t ibang mga aparato–ay nasa paligid na mula pa nung Hunyo 2004.

Ang pagpalit ng pangalan ay lumabas mga Septyembre 2010 ng ang takbo ay pinalaki para makaya rin ang Wireless na daloy ng video.

Ang pangalawang generasyong Apple TV, ang maliit na aparato na nakasaksak sa telebisyon ay inanunsyo ng sabay.

Sa loob lamang ng apat na taon ay naging possible ang paglalagay mula sa iOS ng wireless na aparato sa telebisyon, ito’y teknolohiyang madaling gamitin at naging mahalagang bahagi ng sala ng mga bahay.

Naramdamang tila laging posible   at mahirap isipin ang kalagayan noon bago ang ginhawang hatid ng AirPlay.

Halos 10 taon na ang nakalipas ng ipakilala ang Airtunes, ngayon ay naging posible ang paghatid ng wireless na impormasyon sa telebisyon gamit ang alternatibong aparato. Google Chromecast.

Ang iyong Kailangan

Upang maghatid ng wireless na audio o video mula sa aparato tungo sa telebisyon, kakailanganin mo ang mga sumusunod:

  • Google Chromecast
  • Telebisyon
  • Chrome web browser
  • Mac, o
  • iPhone, iPad o Android phone
Chromecast

Sa Pagsisimula

Ilabas Mula sa Kahon

Sa Google Chromecast kahon makikita ang sumusunod:

  • Chromecast HDMI dongle.
  • USB Type-A sa USB Micro-B cable.
  • Power supply.
  • Maiksing Kableng HDMI na extension.

Pisikal na Pag-setup

  1. Ipasak ang Google Chromecast sa bakanteng HDMI na saksakan sa likod ng telebisyon.
  2. Ipasak ang USB Micro-B connector sa Chromecast dongle.
  3. Ipasak ang USB Type A connector sa naka-reserbang USB port sa telebisyon, o
  4. Kung ang iyong telebisyon ay walang USB na saksakan, ipasak ang USB Type-A connector patungo sa maliit na power supply at idugtong sa power outlet.
  5. Gamitin ang maiksing kableng HDMI na extension kung may isyu sa pagkabit sa bakanteng HDMI socket sa likod ng telebisyon.
  6. Buksan ang telebisyon at palitan ang input source sa HDMI channel na nababagay sa HDMI socket kung saan ang Chrome cast ay nakasaksak.
Ang Chromecast HDMI dongle na pinalakas ng USB
Ipasak ang Chromecast HDMI dongle at palitan ang input source sa telebisyon

Paano Isetup Google Chromecast

Kapag ang mga kagamitang hardwer ang natapos na, ang pagpapatakbo ng aparato ay simple na.

Upang mapagana, kailangang ito ay nakakonekta sa Wi-fi. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng unang komunikasyon nito, na wireless, mula sa MAC o iOS na aparato–o kahit ng Android–Chromecast upang ikabit sa Wi-fi

Software Setup

Buksan ang Chrome web browser at ienter ang URL: chromecast.com/setup.

Iclick ang asul na Download button upang idownload ang Chromecast.

Buksan ang Chrome web browser sa Mac at pumunta sa chromecast.com/setup

Iinstall ang Chromecast App sa normal na paraan.

Idrag ang Chromecast app sa Application folder

Sumangayon sa Privacy at Terms sa pamamagitan ng pag click ng Accept button.

Sumangayon sa Privacy at Terms

Pagkatapos nito ang App ay maghahanap ng magagamit na Chromecasts.

Ang Chromecast app ay maghahanap ng malapit na HDMI dongles

Alalahanin na ang Chromecast at iyong Mac ay dapat konektado sa iisang Wifi Network. Ang Chromecast ay sa 2.4GHz lamang maaring iconect, kaya kung ang iyong Mac ay nakonekta sa 5GHz na network, hindi mo makikita ang Chromecast. Palitan ang iyong Network at ito’y makikita mo.

Ang Mac ay dapat naka konekta sa parehong 2.4GHz Wi-fi network tulad ng Chromecast

Kung ang Mac at ang Chromecast ay parehong naka-konekta sa parehong 2.4GHz wireless network, makikilala ng app ang Chromecast na maari mong paganahin

Iclick ang asul na Set Up button upang isaayos ang Chromecast.

Ang Chromecast app ay makikita ng Chromecast HDMI dongle

Ang Chromecast app ay patunay na ito ay nakahanda nang iset up ang HDMI dongle. Iclick ang Continue button.

Upang maisaayos ang aparato ng wasto kailangang ikompirma kung saang bansa ka naroon. Sa aking katayuan, pinili ko ang United Kingdom. Ang iyong bansa ay maaring iba. Ang iyong bansa ay maaring iba.

Piliin ang iyong lokal

Ang app ngayon ay mag uugnay sa aparato.

Ang Chromecast app ay ikabit sa Chromecast dongle para ito’y maisaayos mo.

Siguraduhing ikaw ay nanonood sa iyong television sa HDMI input kung saan naroon ang iyong Chromecast. Maari lamang na iyong kumpirmahin na ang code sa Chromecast app ay pareho sa nakikita sa telebisyon. Sa aking halimbawa ay parehong makikita ang Z6Z4. Kung ang code ay magkapareho, iclick ang That’s my code na button.

Kumpirmahin ang koneksyon sa Chromecast dongle, at ang code na nakikita  sa telebisyon ay magkapareho
Ang code sa Chromecast app sa telebisyon ay dapat magkapareho, halimbawa: Z6Z4

Sa ngayon, ang Mac ay walang kableng nakakonekta sa ang Chromecast aparato para ito ay iasayos. Upang ikonekta ang Chromecast dongle sa ang Wi-Fi , piliin ang Wi-Fi at ilagay ang password.

Isinasaayos ang Wi-Fi koneksyon sa ang Chromecast dongle

Maari mong palitan ang karaniwang pangalang nakasaad, sa aking sitwastyon Chromecast5852, sa isa sa iyong napili. Pinalitan ko rin ang akin Johnny's ChromeCast.

Palitan ang pangalan ng Chromecast kung iyong nanaisin.

Iclick ang Continue para ikonek ang HDMI dongle sa ang Wi-Fi.

Ang Chromecast dongle ay kokonekta sa Wi-Fi

Kung ito ang iyong unang beses na kumonekta sa ang Chromecast, maari itong magsagawa ng alin mang mga software updates na kailangan. 

Ang Chromecast aparato ay maaring magsagawa ng software updates at reboot

Kapag konektado na, ang kumpirmasyon ay makikita.

Tagumpay!
Ang kaparehong kumpirmasyong mensahe ay makikita rin sa telebisyon

Chromecast Browser Extension

Kapag ito ay naiayos mo na ang Chromecast dongle para ikonek sa Wi-Fi network, ang Chromecast app mag iimbita sa’yo upang ilagay ang Cast browser extensión.

Kung ganap mo ng natapos ang app, maari mo ng ilagay ang Google Chrome browser app store.

Ipalagay na ikaw pa rin ay nasa ang Chromecast app:

Iclick ang asul na Get Cast Extension button.

Iclick ang Get Cast Extension button upang ilagay ang Chrome Cast browser extension.

Ang Chrome Browser tab ay magbubukas. Iclick ang asul Add Extension button.

Iclick ang Add Extension button.

Ang Google Cast window ay ipapakita. Iclick ang Add button

Iclick ang Add button upang ilagay ang Cast browser extension sa Chrome

Ang kumpirmasyon ay makikita kapag ang browser extension ay tagumpay na naidagdag. Ang bagong icon ay lalabas sa Chrome toolbar.

Kumpirmasyon ng paglalagay ng browser extension

Paggamit ng Chrome cast sa Mac

Upang gamitin ang Cast extension, iclick ang icon sa Chrome browser toolbar upang magamit. Ito’y wireless na magpapadala, ng mga nilalaman ng ang Chrome browser tab sa telebisyon.

Kung ang Cast ay gumagana, ang icon ay asul imbes na kulay abo. Kung ikaw ay nagbabrowse, tanging ang laman ng browser tab ang maipapadala sa telebisyon.

Gamitin ang Cast browser extension para wireless na magpadala ng video, mula sa Mac patungo sa Telebisyon.

Kung ikaw ay magbubukas ng lugar, gaya ng YouTube o BBC iPlayer, ang laman na video ang siyang ipapakita ng full screen sa telebisyon.

Ipapalabas ng BBC iPlayer Video mula sa Mac o iPad sa telebisyon sa pamamagitan ng Chromecast   

Paggamit ng Chromecast sa iPhone at iPad

Ang ibang iOS apps, tulad ng YouTube at BBC iPlayer, ay may kakayahang magpadala ng wireless na nilalaman mula sa aparato na ito sa telebisyon sa pamamagitan ng Chromecast.    Hanapin ang Chromecast icon sa app.

Ang Chromecast icon sa BBC iPlayer sa iPad

Para sa USA, ang mga sumusunod na apps ay kayang ibeam ang nilalaman ng walang kable:

  • Google Play Music–Mag rock out ng milyong mga kanta sa Google Play Music sa iyong sala.
  • HBO GO–Manood ng iyong paboritong HBO® orihinal na  mga serye at pelikula deritso sa iyong TV.
  • Hulu Plus–Mabilis na mapapanood ang sikat na palabas sa TV, gamit ang iyong Hulu Plus na suskripsyon.
  • Netflix–Manood ng libu libong palabas sa TV, mga pelikula at orihinal na programang Netflex.
  • Pandora–Makinig ng libre, sa personalized na radio mula Pandora sa iyong napaka gandang speaker sa iyong bahay.
  • Plex–Maayos lahat ang iyong medya, saan mo man ito ilagay, kaya maari mo itong maenjoy kahit saan.
  • PostTV–Ang PostTV mula The Washington Post hatid sa’yo ay video na may mga kahulugan, may mga liwanag at nakakalibang. Ito’y Washington! Lantad! Lantad.
  • RealPlayer Cloud–Panoorin ng wireless ang koleksyon ng iyong personal na video sa iyong TV. Walang mga wire.
  • Red Bull TV–Inspirasyonal na programa mula sa Red Bull, kasama ang malawak na selekyon ng sports, mga musika at mga estilo sa buhay na nakaka-aliw.
  • Songza–tatrabaho? Nag-rerelax? Nasa gym? Ang Songza ay magpapatugtog sa’yo ng tamang musika at sa tamang oras.
  • Vevo–Panoorin ang iyong mga paboritong mga music video at mga original na VEVO sa malaking screen.
  • Viki–Tuklasin ang mga Korean drama, Japanese anime at mga pelikula, mga telenovela at marami pa-sa subtitle na may 160+ na mga wika.
  • YouTube–Magmalaki kapag ikaw ay umuwi ng bahay. Maaliw sa iyong mga paboritong YouTube channel sa napakagandang screen sa iyong bahay.

Para sa UK, ang suportadong hanay ay may kaonting pagkakaiba:

  • BBC iPlayer–Maaliw ng live, on-demand at eksklusibo ang mga programa mula sa BBC. Ang BBC iPlayer, ay pinantindi ang di maaring palagpasin ng higit pa.
  • Google Play Movies & TV–Manood ng libu libong pelikula sa iyong TV kasama ang Google Play Movies & TV.
  • Google Play Music
  • Netflix
  • Plex
  • RealPlayer Cloud
  • Red Bull TV
  • VEVO
  • YouTube

Sa ibang mga bansa ang nilalaman ay maaring iba.

Konklusyon

Ang Google Chromecast hatid ay mga alternatibo, at konting kaibahan sa paraan ng paglipat ng laman ng audio at video ng walang kable mula sa aparato tungo sa Telebisyon.

Patunay  nito na di na mangailangang mag okupa ng isa pang power outlet ay napakalaking bonus ito ay magandang paraan para ipakita sa malaking (ger) screen.





Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.