Unlimited WordPress themes, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Computer Skills
  2. Media
Computers

Mabilisang Panuto: Lumikha ng Ringtone sa iTunes para sa Libreng

by
Difficulty:BeginnerLength:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Marami kang mapagpipilian kung papaano mo gagawing kakaiba ang iyong iPhone: maaari mong baguhin ang wallpaper sa iyong larawan ng pamilya, ayusin ang home screen sa pamamagitan ng kulay ng app icons, o kaya idagdag ang iyong sariling ringtones. Sundin ang mga pamamaraan sa ilalim at makikita mo kung papaano gumawa ng ringtone mula sa kahit na anong  kanta sa iyong iTunes library, ng libre. Pero pakiusap lag wag itong i-set sa Gangnam Style.


Hakbang 1: Piliin ang Iyong Kanta


Pindutin sa kanan at piliin ang Get info

Sa iTunes, hanapin ang kanta na gusto mong gamitin para sa iyong gustong bagong ringtone. Pindutin sa kanan and piliin ang 'Get Info'.


Hakbang 2: Mag-set ng Start at Stop Time


Hanapin ang Options

Kapag nasa info view ka na, pumunta sa taas sa Options at mula diyan kailangan  mong piliin pareho ang start at stop time. Pagkatapos galawin ang  tracks at malaman kung saan eksakto gusto mo itong gumana, maaari ka pang pumuli , tpos pindutin ang OK - tandaan hindi ito maaaring lumampas ng 40 na Segundo.

Mungkahi: Maaaring kailangan munang i-check ang Start at Stop time boxes kung hindi pa ito naka-check.

Hakbang 3: Paggawa ng AAC Version


Gawing AAC Version

Next, right-click again on the track and click on Create AAC Version. Kusang makokopya nito ang track, at gagawa ng file na gagawin mo simula ngayon. Mapapansin mo ang kaibahan sa oras ng track kumpara sa orihinal. Maaari na gusto mong balikan ang orihinal na file at alisin ang start at stop times ng kanta kung gusto mong ibalik sa normal.


Hakbang 4: Pag-convert sa Ringtone


Pindutin sa kanan at piliin ang "Show in Finder"

Kailangan mong hanapin ang file ng track, at para magawa ito kailangang pindutin sa kanan sa bagong bersyon, at piliin ang Show in Finder.


Ang bagong AAC Version at ang orihinal na track

Dapat ipakita nito ang pangalan ng track, na may  a .m4a sa dulo.Kailangang baguhin ang pangalan nito sa .m4r kung saan ito ay katulad lamang ng pagtanggal ng ‘a” at pagpalit nito ng ‘r’. May lalabas na popup na magtatanong kung ikaw ay sigurado, pindutin ang Use .m4r.


Pindutin ang Use .m4r.
Mungkahi: Huwag isara ang window o screen ng Finder, kakailanganin mo uli ito sa loob lamang ng ilang minute.

 Hakbang 5: Pagtanggal ng AAC Version


Tanggalin ang Kanta

Siguraduhin na itago ang file.

Bumalik muli sa iTunes, pindutin sa kanan at tanggalin ang AAC Version(ang maiksing kopya ng orihinal). Pindutin ang Delete Song at Keep File sa popups.


Hakbang 6: Pagdagdag sa Tones

At ang panghuli, dapat mong balikan ang Finder at i-clik ng dalawang beses ang ringtone file (.m4r), kung saan dapat kusang kokopyahin nito ito sa bahagi ng Tones ng iyong iTunes library.


Ang iyong ringtone ay  dapat nakikita na sa bahagi ng Tones.

Pagwawakas

At ito na nga,maaari ka ng gumawa ng ringtones galing sa iyong iTunes music, lahat ng ito ay libre sa iilang simpleng paraan lamang. At ngayon maaari mo ng asarin ang iyong mga kaibigan sa iyong nakakatuwang tones at i-enjoy ang iyong sariling personalized na telepono kapag may tatawag.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.