Unlimited WordPress themes, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Computer Skills
  2. iOS

Dalawang Magkaibang Paraan upang Makapag-mirror ang iOS Device patungo sa Mac

by
Read Time:3 minsLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Screencast

Ang abilidad na makapagpakita ng isang katangian, setting, o bagong aplikasyon sa isang malaking grupo ng tao ay napakahalaga. Mag-present man ng isang live keynote o online webinar, ang abilidad na makapag-mirror ng iOS device patungo sa display ng Mac ay pwedeng maging sanhi ng tagumpay o kabiguan.

Sa kabutihang-palad, may ibat-ibang paraan para maganap itong mirroring magic.

Sa tutorial na ito, ipapakita ko sa iyo kung paano mag-mirror ng isang iOS device patungo sa Macgamit alinman sa dalawa:

  • QuickTime o
  • Reflector na may kasamang Airplay

Bibigyan ko rin ng diin ang mga advantages at disadvantages ng bawat paraanhabang ito ay aking tinuturo.

Mirroring Gamit ang QuickTime

Ang pros sa pag-mirror gamit ang Quicktime ay marami. Wala itong katumbas na anumang halaga, ang pagtugon nito ay napakabilis na halos instant, at wala ng mas dadali pa sa pagset-up nito.

Ang tanging disadvantage lang nito ay kailangang gumamit ng wired connection sa pagitan ng Mac atiOS device.

Ang Pagset-up

Ikabit ang iOS device sa Mac gamit ang isang lightning-to-USB cable. Isaisip: Ang pag-connect ng iOS device sa Mac gamit ang USB cable ay maaaring maging sanhi upang awtomatikong bumukas ang iTunes at/o Image Capture. Ang mga aplikasyon na nabanggit ay maaaring magsimulang mag-sync sa iDevice, at maging sanhi ng lag. Kaya siguraduhing isarado muna ang mga aplikasyon na ito bago pumunta sa susunod na hakbang.

Matapos ma-connect ang device, buksan ang QuickTime. Ang QuickTime ay magbubukas ng isang menu kung saan pipili ka ng file. Ang layunin dito ay hindi para makapagtugtog ng kasalukuyang file, kaya pindutin ang Done.

Sa menu bar, pindutin ang File, at pagkatapos ay pindutin ang New Movie Recording.

Setting iPhone as a QuickTime inputSetting iPhone as a QuickTime inputSetting iPhone as a QuickTime input
Pagset-up ng iPhone bilang QuickTime input

Ang kasalukuyang input device ay naka-set sa iSight camera. Upang baguhin ito at ma-set sa iOS device, pindutin ang arrow na pababa na katabi ng record button. Pagkatapos ay piliin ang iOS device sa listahan ng camera. Ang screen ng device ay diretsong magpapakita at anumang aksyon na gawin sa iOS device ay siya ring makikita sa display ng Mac.

Mirroring the iPhone to Mac using QuickTimeMirroring the iPhone to Mac using QuickTimeMirroring the iPhone to Mac using QuickTime
Ang Pag-Mirror ng iPhone patungo sa Mac gamit ang QuickTime

Isa pang karagdagang advantage sa paggamit ng paraan na ito ay isang pindutan lang ang record button. Gamit ang built in na recording feature ng QuickTime ay siyang naging dahilan upang mas napadali ang paglikha ng screencasts gamit ang iOS.

Mirroring Gamit ang Reflector

Ang pinakamalaking advantage sa paggamit ng Reflector ay nakakapag-mirror itona walang wires na gagamitin. Sa pamamagitan ng Wi-Fi gumagana ang mirroring, halos kaparehas sa paraanng Mac o iDevices na makapag-mirror sa AppleTV.

Kailangan na parehong Mac at iOS device ay naka-connect saiisang Wi-Fi network. At ang hindi paggamit ng wire ay maaaring mangangahulugan ng kaunting lag. Kailangan ding mag-install ng isang aplikasyon sa Mac na binabayaran. Pero ang Reflector ay nag-aalok ng libreng pitong araw na paggamit, kaya may halaga pa rin itong i-download.

Downloading Reflector for MacDownloading Reflector for MacDownloading Reflector for Mac
Pag-download ng Reflector para sa Mac
  • Buksan ang web browser at pumunta sa https://www.airsquirrels.com/reflector/.
  • Pindutin ang Subukan ang Reflector, pagkatapos ay i-download.
  • I-download ang .dmg na file at buksan ito.
  •  Hilahin ang Reflector patungo sa Applications folder.
  • Buksan ang Reflector.
  • Pindutin ang Subukan ang Reflector.

Hindi ka makakakita ng anumang windows o ibang aplikasyon na bubukas sa screen. Ang Reflector ay mananatili sa dock hanggang may iOS device na nakaconnect dito.

Turning on AirPlay Mirroring on an iOS deviceTurning on AirPlay Mirroring on an iOS deviceTurning on AirPlay Mirroring on an iOS device
Pagbukas ng AirPlay Upang Makapag-mirror sa iOS device

Sa iOS device, mag-swipe pataas galing sa baba upang mabuksan ang Control Center.  Sa Control Center pindutin ang AirPlay. Piliin sa listahan ang Mac kung saan gusto mong mag-mirror, pagkatapos ay pahintulotan ang Mirroring.

Mirroring an iOS device to the Mac using ReflectorMirroring an iOS device to the Mac using ReflectorMirroring an iOS device to the Mac using Reflector
Pag-mirror ng iOS device patungo sa Mac Gamit ang Reflector.

Konklusyon

Sa tutorial na ito ay ipinakita ko ang dalawang magkaibang paraan upang makapag-mirror ng iOS device sa Mac. Habang nasa tutorial, ay itinuro ko rin ang advantages at disadvantages ng bawat isa.

Sa paggamit ng mga pamamaraan na ito ay pwede mong mapakita ang isang bagong application ng live atsa personal, mag-host ng isang interactive webinar, o kahit mag-record ng isang screencast. Subukan ang dalawang paraan at ipaalam sa akin ang naging resulta sa comment section sa baba.


Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.